Ano na nga ba ang bago ngayon sa buhay ko. madame.
ang nakalipas na dalawang linggo ng buhay ko ay iginugol s apagapasok sa eskwelahan. Walang palya na pumasok mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Samahan mo pa ng mga mahabang pagsusulit sa mga bagay na inaral ngayon at noong mga nakalipas na taon. At idagdag mo pa ang takot at pag -iisip na kailangan kong ipas ang mga ito dahil dito nakasalalay ang katuparan ng aking pagtatapos sa kursong ito, na dalawang taon pa mula ngayon.
ang buhay parang maiihahalintulad ko sa mga long exams. paulit-ulit lang ang mga tanong pero iba-iba nag sagot ko, parang sa buhay ko paulit-ulit ang tema ng problema pero para bang iba-iba ang solusyong naiisipko sa oras na makaharap ko sila.
ewan ko. paulit -ulit din akong nabibigo, nagtatagumpay, nanghihinayang at nagpapasalamat.
madrama na ba. sa estado ng buhay ko ngayon iisa lang ang napatunayan ko. Na minsan pala sa buhay ng tao possible mangyaring parang telenovela ang buhay. Na minsan inakala kong eksaheradong pagtanggap ng mga pangyayari sa mga bagay bagay na dumarating ay sadyang natural na reaksyon ng isang taong binabalot ng samo'tsaring damdaming, may katotohanan at katuturan sa mga oras na iyon.
Ang mga bagay na mababaw sa aking pandinig at inakala kong madaling solusyonan, ay hindi pala ganun kadaling harapin sa oras na ikaw ay kanyang salubungin.
Ngunit hindi ito ang "drama" ng buhay, hindi isang palabas na puro luha at paminsan minsang tuwa ang naiidudulot.
Hindi ko ren alam ang tawag. Hindi ko alam kung paano ko siya bibigyang saysay para lubos ninyo akong maunawaan.
Ang tangi kong nalalaman at pinaniniwalaaan ay ang pag-asang hinid man umayon sa akin mga pangyayari ngayon, pero maaring bukas...may pag-asang ang langit ay muling ngingiti at babati ng isang magandang umaga bitbit ang isang toneladang pag-asa
bukas ayos na ito...bukas lilipas den ito.
marameng salamat!