Tuesday, June 21, 2005

mganda ang umaga, kahit na bumabagsak pa rin ang talukap ng mata, gusto kong isipin na may katuturan ang buong araw na ito.

inaantok ako...pero kailangan kong imulat ang mga mata at piliting gisingin ang diwa.

kahit na nararamdaman ko ang kagustuhang ibagsak muli ang katawan sa higaan

dapat ko itong pigilan ...

dapat may lakas akong laban ang sarili kong katamaran

pagkat maganda ang umaga, ang haring araw ay sumikat na

dala ang bagong pag-asa na ang buong araw ay masaya

----

hindi ko na ata magiging theme song ang kantang "hanggang kailan " ng Orange and lemons. hindi ko na rin ata kaya ang kahihiyan na uuwi muli ako sa batangas.

sana mapaalis siya. sana makakuha siya ng trabaho para sana mas may pag-asa na bukas o sa makalawa ay may katuparang kami ay magsama.

No comments: