Monday, November 20, 2006

malapit na matapos ang buhay ko na alipin sagigilid!

matagal ding panahon na natigil akong magsulat.

biruin mo may six months din ang lumipas ng huli kong entry

what has been happening to me?

ewan! feeling ko aliping sagigilid ako. sa ospital ikaw ang pinaka mababang uri ng tao sa mundo, pero pagdating ko naman sa bahay sobrang parang prinsesa ang turing.

kaya nga minsan hindi maiwasan hindi maging mayabang sa mga taong wala namang kinalaman sa tunay na sitwasyon ko

ewan, isa lang ang natutunan ko ng maige at nahirapan ako talaga akong idevelop.

eto ang pagiging pasensyoso

pasensyoso sa patient, sa ka grupo, at sa mga katarabaho ko na minsan talaga namang alila ang turing sa iyo

pero kung tutuusin, masaya cia.

mahirap pero masaya
marame akong natutunan. marame akong natuklasan, mas naging mature ako. mas naging magastos. hehehe

mahirap maging alipin. pero alam ko pag natapos ito masarap namnamin ang pinaghirapang abutin.

alam ko pagkatapos ng lahat ng ito, may ngiti na mamumutawi sa aking labi.

No comments: