Thursday, February 10, 2005

sa pagtalikod mo

sa lahat ng ayoko na gagawen sa akin ng isang tao eh ang tatalikuran ako habang kinakausap ko siya.

"i'm actually having a bad day." may isang taong sumusubok ng aking pasensya. ngayon ko talaga napapatunayan na mahirap maging isang mabait na tao sa paligid ng mga taong mapang abuso.

minsan na nangyari sa buhay ko ang nangyari kanina. parang naulit na may ipinapahiwatig. hindi ko alm kung ako na ba ang may problema. o talagang kailangan ko lang lawakan ang aking kaisipan ng kahit kaunti pa.

sa palagay ko ako ay isang taong may buong dedikasyon sa mga ginagawa. gusto kong papaniwalain ang sarili ko na isa nga ako sa mga tinatawag na "goal oriented persons". kaya nga minsan may mga tao akong nakakabangga ng dahil sa pag kakaiba namen ng "work etiquettes".

isa akong tao na naniniwala na ang lahat ng bagay o problema ay madadaan sa isang malinaw at maayos na usapan. kaya naman sobrang na aasar talaga ako sa ginawa niya kanina.

"i guess the act would have been justifiable if i ask her those things in a demanding tone. i think it would have been right for anyone to do that to me, if i have been so bossy in reminding her the tasks she needs to accomplish."

ang pag talikod ay isang signos ng kahinaan. para sa akin isa siya sa mga taong kilala kong mahina. hindi ko alam kung dapat ko siyang kaasaran o kaawaan dahil sa babaw ng kanyang pagkatao.

sabe ng mga kaibigan kong iba, intindihin ko na lang daw siya. ako daw ang mas nakaka unawa. pero sa palagay may mga pagkakataong hindi lang pang-unawa ang kailangan. dahil walng saysay ang pang-unawa kung hindi nalalaman ng tao may sala (ang taong talikod) na mali nga ang ginawa niya.

"having a bad day is not a reason enough for you to causeothers to have a bad day also"

ang goal ko ngayong araw na ito ay ma ipa "realize" sa talikod na tao, na hindi ko gusto ang ginawa niya. mapa-isip sa kanya na may mas maganadang paraan para mapaintindi niya sa akin ang nasa isip niya

sa ngayon burado siya sa mga taong gusto kong makasama.

kakasimba ko lang kanina, ash wednesday pa ngayon. sa palagay ko isang malaking hamon sa akin ng diyos ang araw na ito at ang talikod na tao.

may natitira pang walong oras at tatlumpong minuto bago matapos ang araw na ito. at sa lahat ng pagkakataon iyon alam kong makakasama ko ang talikod na tao. sana lang po marunong akong magtimpi, para makaiwas sa mas malaking gulo...

sana lang...


No comments: