hindi ko alam kung bakit kinailangan kong burahen lahat ng mga mensahe nia sa telepono ko. hinde ko alam pero, nainis ako. Parang isang kumpirmasyon ang narinig ko kay Gau, at malaki ang hinala kong tama siya
tama siguro ang ginawa ko. nakakadismaya kase akala ko siya ang magiging bagong simula ko. akala ko ayos lang na uamyon sa daluyong ng alon sa dagat. Mahirap mangaminin, at kulang man ako sa mga bagay na maaring magpatunay ng aking hakahaka, alam kong biktima na naman ako ng maling akala. dapat sanay na ako sa ganitong sitwasyon, dapat alam ko ng umiwas o kumilitis sa mga taong totoo at seryoso, kumpara sa mga taong mababaw at tuso.
ayos na den. nangyare an ang mga dapat mangyare. pinahintulutan ng taong makapangyarihan ang mga ito marahil sa dahilang siya lamang ang nakakaalam. mahirap mang unawain pero ganun paman, alam kong may paraan siyang ipapamalas sa akin upang maging malinaw ang lahat. At sa pagkakataong yaon, mauunawaan ko ding para sa ikakabuti ko ang lahat ng mga nangayayari ngayon.
para sa iyo, isa ang masasabi ko "Thanks, but no thanks!"
No comments:
Post a Comment