Sunday, August 07, 2005

nakakainip

naiinip ako
sa kahihintay sa isangbagay na hindi sigurado
nabwibwiset ako dahel naghihintay ako
dahil hinihintay kita

sana hindi ko na lang napapansin ang oras
sana hindi ko napapansin na mabagal ang panahon
na may pagkamabagal ka umusad
pagong ka na atang tuwiran

bwiset
bwiset
bwiset

naiinis ako dahil hinihintay kita
hindi ko makuhang mauna
magpaparamdam sana ako
pero naisip ko
bakit natitiis mo ako
ganun ba yun, kala ko ba seryoso

gusto kong isipin
marami kang pinagkaka abalahan
may bago ka na atang trabaho
marami na ata nagbago sa buhay mo
sana isama mo ko
sana isa ren ako sa mga bago sa buhay mo

hindi kita kayang tiisin
malamang pagkatapos nito
magpaparamdam ako
mangungunang mangamusta
at sana naman
sa pagkakataong ito
sumagot ka.

at kahit hindi
maghihintay ako
kase yun ang alam ko ngayon
ang manguna at maghaintay

dahil balang araw
umaasa akong
aayon sa atin ang panahon
aayon sa ating tadhana
walang nang hintayan magaganap
sabay na lang natin
haharapin ang bukas

No comments: