Monday, September 12, 2005

ang hirap maka konek

i have been trying to connect to the internet for the last two hours through a dial up modem sa apartment, pero i have finally given up.

lumabas ako at pumasok sa isa sa mga internet shop.
bwist. bago pa naman ung internet card ko.

ang hirap maka connect, mas madalas na busy

parang pag konek din yan sa tao
mas madalas busy ang taong kausap mo kaya mahirap minsan magkonek ang usapan nyo.
minsan kahit anong paghahanda ang gawen mo, pag praktisan man ang mga linyang sasabihen ay mawawalan paren ng saysay dahil ang mismong taong kausap ay nanatiling sarado ang utak.

bwisit. nakakaubos oras. nakakapagod.
eh pano kaya kung ako naman ang busy o sarado ang utak.
bakit kailangan ako lang ang nakikibagay.

hmmm. ano nga kaya?

hindi ko ata kaya...hindi ko kayang magpakababa tulad nila.
iisipin ko na lang na ako ang normal.
gagwin ko lang ang tama
hindi aasang magbabago sila

bahala na. bahala na.

No comments: