Tuesday, November 15, 2005

ang nakakapagod kong buhay paminsan minsan

ang buhay ko minsan, nakakapagod.

hindi ko malaman kung paano patakbuhin.

kilala ko ang sarili ko, pero ang mga tao sa paligid ko minsan mahirap tantyahin.

mahirap mangapa ng damdamin, lalo na yung mga taong sa una pa lamang sarado na agad ang pintuan pati bintana para sa iyo.

wala namang problema sana, kaya kng manuyo at makisama. pero ang mas natatakot ako

mas natatakot ako sa sarili ko, pag nagasawa ako.

pag mas pinili ko na lamang mawalan ng kiber o paki alam sa mga tao sa paligid ko, sa sitwasyon ko.

kasi alam kong klahit anong pilit ko, ako naman ang pilit na magsasara ng sariling mundo

mahihirapang bumukas, ni pang unawa hindi ko na kayang ibigay.

nakakapagod kasing manuyo, makibagay.

mahirap. nakakapagod. nakakayamot. mabigat ang pakiramdam

kaya pag nangyari iyon, pasensyahan na lang.

sa ngayon kaya ko pa makibagay, makisabay.

pero pag nasagad na hanggang dulo

pasensya, alang samaan ng loob.

tulad mo, ako ren ay tao lamang.


No comments: